Confessions (or My [Love] Life According to Alesana)
Saturday, July 09, 2016
2:10 PM
The Emptiness Will Haunt You.
Maraming nang nagbago mula nangmawala umalis ka. Wala ka pang kapalit (magkakaroon pa ba?).
Kahit sa puso ko.
I. It Was A Dark And Stormy Night
Grabe ako magkagusto sa lalaki. Although it's not always the case, I usually have sexual fantasies about certain guys… err, men, that I like. Or love, sometimes. Madalas detalyado, parang Rated NC-17/R/X/XX/XXX na pelikula o sex scene sa romance novel na karaniwang gawa ng female authors.
Pero sa 'yo, iba.
Noong una kong maramdaman na mahal na nga kita, parang ayoko nang magpantasya. Bigla akong napagod. Naramdaman kong sawa na ako sa ganoon. Pero katagalan, siguro dahil sa hormones, minsan naiisip ko: paano kaya kung katabi kita sa pagtulog ko?
Mag-isa na akong matulog sa gabi mula nang magkaroon ako ng sariling kwarto. Matagal ko na ring gustong magkaroon ng sariling kwarto.
Paano kaya kung katabi kita sa pagtulog ko? Sasandal ako sa dibdib mo, di sa malamig na dingding (di na siguro ako magkakaubo o magkakakabag n'on). Mararamdaman ko ang tibok ng puso mo. Para sa akin. Ang yakap at halik mo, na di ako magdadalawang-isip na tugunin. Ang mga haplos mo, lalo sa mga bahagi ko na di ko basta-basta ipakikita, ipadarama, ipagkakatiwala sa iba, na humahawi sa mga hadlang sa pagitan nating dalawa.
Mas pabor akong ibigay ito sa gabi na ng aking kasal. (Sana, ikaw ang pagdalhan sa akin ng tatay ko sa araw na iyon… Darating pa kaya yung araw na iyon? Darating ka pa kaya?)
You could be the exception to the rule, though.
II. A Lunatic's Lament
Di na ako masyadong nananaginip. Nakakalungkot lang.
Kasi kahit sa madalang na mga panaginip ko, di ka rin nagpapakita.
Dati, kakaisip ko sa tatlo sa mga crush ko, napanaginipan ko sila. (Magkakahiwalay naman na mga panaginip iyon, mga taon ang pagitan ng bawat isa.) Mula nang una kong maramdaman na mahal na nga kita, walang araw ni gabi na hindi ka laman ng isip ko (di lang naman ikaw ang laman nito, siyempre; madalas lang kitang maisip kasama ng mga dapat kong gawin sa trabaho, mga librong binabasa at kantang pinakikinggan ko, pati listahan ng kantang pinapa-search o pinapa-download ng kapatid ko). Pero kahit gaano karaming beses kitang isipin at gaano ka-vivid kitang i-imagine (masyado raw malikot ang imahinasyon ko, sabi ng nanay ko; kasi nga daw, writer ako), wala pa rin akong panaginip na tungkol sa iyo. Wala pa rin akong panaginip na kasama mo.
Di nga ba talaga tayo para sa isa't isa, kaya kahit anong ilusyon ko tungkol sa 'yo, ni hindi maging panaginip na sa sobrang linaw, parang totoo na rin? Ganoon kasi ako managinip.
III. This Conversation Is Over
Tinanong ko ang isang close college friend ko kung dapat ba kitang i-unfriend at i-block sa Facebook. Huwag daw, sabi niya. Baka raw mahalata mo at magtaka ka.
Sabi ko, ni hindi mo nga ako pinapansin mula nung huli tayong nag-usap. Papansinin mo pa ba kung i-unfriend at i-block na kita?
At yun ang nakakatakot. Yun ang masakit. Yung malamang wala kang pakialam.
Eto na nga. Tinutulungan mo na akong kalimutan ka.
IV. Tilting The Hourglass
"Bakit," tanong sa akin sa HR nung napakwento ako sa kanila, "naging kayo ba ni…?"
Hindi. Hindi naman naging tayo. Wala namang nangyari. Wala. Dapat hindi ako nagkakaganito.
Pero ang masakit, kahit pagkakaibigan na lang natin, nawala pa.
V. Apology
Tama yung kanta. I owe you such an apology. Kasalanan ko. Minahal kita. Agad. At umasa ako.
Kahit ang sabi, promises not made are promises not broken.
We Have To Believe, We Have To Trust, Trust That There Is Hope.
(Kakabasa ko lang siguro 'to ng 1Q84.)
Hanggang ngayon, hinihintay ko pa rin ang pagbalik mo. Kahit alam kong clearance at back pay lang ang babalikan mo.
Sabi ko rin sa HR noong mapakwento ako, "Sana, naging back pay na lang ako!" Natawa sila. Ang aga-aga, humuhugot na raw ako.
Hanggang ngayon, hinihintay ko pa rin ang pagbalik mo. Sa buhay ko. At sa pagbalik mo, malalaman kong sulit pa rin talaga ang maghintay, dahil pinaghiwalay lang tayo noon dahil noong una kitang makilala at maramdaman kong mahal na pala kita, di pa pala iyon ang tamang oras.
Nothing is impossible. Kaya posible ring kabaligtaran ang mangyari.
Aasa pa rin ba ako kahit mukhang wala na?
O wala na nga talaga?
VI. Catharsis
At least di na ako naiiyak. Di katulad ng dati, noong binasa ko sa mga kasamahan ko iyong akala kong huli ko nang tula para sa 'yo.
Pero minsan, sa sobrang sakit, sa sobrang lalim ng sakit, di mo na ito maramdaman. Parang akala mo, healthy ka, tapos pagkapa-checkup mo, may sakit ka na pala, di mo lang alam. Tapos sasabihin mo sa duktor, "Bakit gano'n?! Ayos lang naman ang pakiramdam ko???"
Gusto kong umiyak ulit. Pero dahil kailangang maging matibay ako, pinipigil ko pag naiiyak ako. Hanggang sa di na magawang maluha ng mga mata ko.
Lumuluha na lang ang kalooban ko.
VII. …And Now For The Final Illusion
Dapat siguro, tantanan ko na ang pakikinig ng Alesana.
Pero hindi, e—tignan mo, nakikinig na ako sa kanila dahil gusto ko na talaga sila, ang estilo ng pagtugtog nila, ang mga kanta nila, pati ang pagiging English-major-at-the same-time-musician ni Shawn Milke (yung mga tipo niya yung tipo ko talagang lalaki; again, you could be the exception to the rule). Di na lang dahil sa paborito mo sila.
Di na lang dahil sa naaalala kong paborito mo sila, ang paborito mong kanta nila (na naging una kong paboritong kanta nila), ang kanta nila na unang nakumpleto mo ang drum line.
Di na lang dahil sa naaalala kita.
Di na lang dahil sa mahal pa rin kita.
Katulad ng paulit-ulit na pagtugtog ng kantang ito, paulit-ulit sa gunita ko ang kaunti kong mga alaala mo.
Manhid na yata ako. Dahil kinukutkot ko pa rin ang mga sugat na nagpeklat na sa puso ko.
Para lang may maramdaman pa rin ako.
I Handed You A Knife And My Heart,
And Now The Dream Is Over.
Di ka pa raw handang umibig ulit. Baka masakit pa rin sa 'yo ang nangyari sa inyo.
Kahit masakit sa akin, okay na rin lang sa akin kung magkabalikan kayo. Baka nga mahal mo pa rin siya. Basta malaman ko lang na masaya ka.
Pero kung sakaling ayaw mo na siyang balikan, at handa ka nang magmahal ulit, sana, maalala mo ako.
2:10 PM
The Emptiness Will Haunt You.
Maraming nang nagbago mula nang
Kahit sa puso ko.
I. It Was A Dark And Stormy Night
Sweat drips in my eyes.
Screams of lust we cry.
Tonight, you are everything…
Grabe ako magkagusto sa lalaki. Although it's not always the case, I usually have sexual fantasies about certain guys… err, men, that I like. Or love, sometimes. Madalas detalyado, parang Rated NC-17/R/X/XX/XXX na pelikula o sex scene sa romance novel na karaniwang gawa ng female authors.
Pero sa 'yo, iba.
Noong una kong maramdaman na mahal na nga kita, parang ayoko nang magpantasya. Bigla akong napagod. Naramdaman kong sawa na ako sa ganoon. Pero katagalan, siguro dahil sa hormones, minsan naiisip ko: paano kaya kung katabi kita sa pagtulog ko?
Mag-isa na akong matulog sa gabi mula nang magkaroon ako ng sariling kwarto. Matagal ko na ring gustong magkaroon ng sariling kwarto.
Paano kaya kung katabi kita sa pagtulog ko? Sasandal ako sa dibdib mo, di sa malamig na dingding (di na siguro ako magkakaubo o magkakakabag n'on). Mararamdaman ko ang tibok ng puso mo. Para sa akin. Ang yakap at halik mo, na di ako magdadalawang-isip na tugunin. Ang mga haplos mo, lalo sa mga bahagi ko na di ko basta-basta ipakikita, ipadarama, ipagkakatiwala sa iba, na humahawi sa mga hadlang sa pagitan nating dalawa.
You're everything, you're everything to me!
Mas pabor akong ibigay ito sa gabi na ng aking kasal. (Sana, ikaw ang pagdalhan sa akin ng tatay ko sa araw na iyon… Darating pa kaya yung araw na iyon? Darating ka pa kaya?)
You could be the exception to the rule, though.
II. A Lunatic's Lament
No more as I wake from this perfect dream!
Di na ako masyadong nananaginip. Nakakalungkot lang.
Kasi kahit sa madalang na mga panaginip ko, di ka rin nagpapakita.
Dati, kakaisip ko sa tatlo sa mga crush ko, napanaginipan ko sila. (Magkakahiwalay naman na mga panaginip iyon, mga taon ang pagitan ng bawat isa.) Mula nang una kong maramdaman na mahal na nga kita, walang araw ni gabi na hindi ka laman ng isip ko (di lang naman ikaw ang laman nito, siyempre; madalas lang kitang maisip kasama ng mga dapat kong gawin sa trabaho, mga librong binabasa at kantang pinakikinggan ko, pati listahan ng kantang pinapa-search o pinapa-download ng kapatid ko). Pero kahit gaano karaming beses kitang isipin at gaano ka-vivid kitang i-imagine (masyado raw malikot ang imahinasyon ko, sabi ng nanay ko; kasi nga daw, writer ako), wala pa rin akong panaginip na tungkol sa iyo. Wala pa rin akong panaginip na kasama mo.
I'll escape from Eden's walls.
Can I not stay and live this lie?
For I must think only of myself…
Di nga ba talaga tayo para sa isa't isa, kaya kahit anong ilusyon ko tungkol sa 'yo, ni hindi maging panaginip na sa sobrang linaw, parang totoo na rin? Ganoon kasi ako managinip.
III. This Conversation Is Over
And to think that you will not be scared or surprised I severed all these ties—
this is the end!
Tinanong ko ang isang close college friend ko kung dapat ba kitang i-unfriend at i-block sa Facebook. Huwag daw, sabi niya. Baka raw mahalata mo at magtaka ka.
Sabi ko, ni hindi mo nga ako pinapansin mula nung huli tayong nag-usap. Papansinin mo pa ba kung i-unfriend at i-block na kita?
At yun ang nakakatakot. Yun ang masakit. Yung malamang wala kang pakialam.
I'll lose myself in anguish for tonight.
Help me get over you.
Eto na nga. Tinutulungan mo na akong kalimutan ka.
IV. Tilting The Hourglass
I feel so numb to see this bitter end.
It has come to this—
end of beautiful illusions.
Broken pieces will not mend!
One last kiss
to save our past now.
"Bakit," tanong sa akin sa HR nung napakwento ako sa kanila, "naging kayo ba ni…?"
Hindi. Hindi naman naging tayo. Wala namang nangyari. Wala. Dapat hindi ako nagkakaganito.
Pero ang masakit, kahit pagkakaibigan na lang natin, nawala pa.
V. Apology
I'll lose myself in anguish for tonight.
Help me get over you.
One last false apology—
help me get over you.
Tama yung kanta. I owe you such an apology. Kasalanan ko. Minahal kita. Agad. At umasa ako.
Kahit ang sabi, promises not made are promises not broken.
We Have To Believe, We Have To Trust, Trust That There Is Hope.
Now we must let go!
(Kakabasa ko lang siguro 'to ng 1Q84.)
Hanggang ngayon, hinihintay ko pa rin ang pagbalik mo. Kahit alam kong clearance at back pay lang ang babalikan mo.
Sabi ko rin sa HR noong mapakwento ako, "Sana, naging back pay na lang ako!" Natawa sila. Ang aga-aga, humuhugot na raw ako.
Hanggang ngayon, hinihintay ko pa rin ang pagbalik mo. Sa buhay ko. At sa pagbalik mo, malalaman kong sulit pa rin talaga ang maghintay, dahil pinaghiwalay lang tayo noon dahil noong una kitang makilala at maramdaman kong mahal na pala kita, di pa pala iyon ang tamang oras.
Nothing is impossible. Kaya posible ring kabaligtaran ang mangyari.
Aasa pa rin ba ako kahit mukhang wala na?
O wala na nga talaga?
VI. Catharsis
Urgency overwhelms me as I must restrain my flood of tears.
At least di na ako naiiyak. Di katulad ng dati, noong binasa ko sa mga kasamahan ko iyong akala kong huli ko nang tula para sa 'yo.
Pero minsan, sa sobrang sakit, sa sobrang lalim ng sakit, di mo na ito maramdaman. Parang akala mo, healthy ka, tapos pagkapa-checkup mo, may sakit ka na pala, di mo lang alam. Tapos sasabihin mo sa duktor, "Bakit gano'n?! Ayos lang naman ang pakiramdam ko???"
Gusto kong umiyak ulit. Pero dahil kailangang maging matibay ako, pinipigil ko pag naiiyak ako. Hanggang sa di na magawang maluha ng mga mata ko.
Lumuluha na lang ang kalooban ko.
VII. …And Now For The Final Illusion
I refuse to be slave to your false beauty again!
Dapat siguro, tantanan ko na ang pakikinig ng Alesana.
Pero hindi, e—tignan mo, nakikinig na ako sa kanila dahil gusto ko na talaga sila, ang estilo ng pagtugtog nila, ang mga kanta nila, pati ang pagiging English-major-at-the same-time-musician ni Shawn Milke (yung mga tipo niya yung tipo ko talagang lalaki; again, you could be the exception to the rule). Di na lang dahil sa paborito mo sila.
Di na lang dahil sa naaalala kong paborito mo sila, ang paborito mong kanta nila (na naging una kong paboritong kanta nila), ang kanta nila na unang nakumpleto mo ang drum line.
Di na lang dahil sa naaalala kita.
I'll lose myself in anguish for tonight.
Help me get over you.
Katulad ng paulit-ulit na pagtugtog ng kantang ito, paulit-ulit sa gunita ko ang kaunti kong mga alaala mo.
One last false apology—
help me get over you.
Manhid na yata ako. Dahil kinukutkot ko pa rin ang mga sugat na nagpeklat na sa puso ko.
Para lang may maramdaman pa rin ako.
I Handed You A Knife And My Heart,
And Now The Dream Is Over.
In my mind, blood drips from your eyes…
Di ka pa raw handang umibig ulit. Baka masakit pa rin sa 'yo ang nangyari sa inyo.
Kahit masakit sa akin, okay na rin lang sa akin kung magkabalikan kayo. Baka nga mahal mo pa rin siya. Basta malaman ko lang na masaya ka.
Pero kung sakaling ayaw mo na siyang balikan, at handa ka nang magmahal ulit, sana, maalala mo ako.
…a beautiful last goodbye.
Finished 07/09/2016 16:55
Lyrics from "Apology" by Alesana (punctuations and some line breaks mine)
Post and section titles also based on some song titles and lyrics by the band mentioned
Comments
Post a Comment